Wikia

WikiSagot Answers

Welcome to WikiSagot Answers. What would you like to know?

Halimbawa ng tulang dula na melodrama?

22,091pages on
this wiki
Talk0

Wakang Tulang Dula na Melodrama ngunit may Tulang Dula o Pantanghalan.

Ang Tulang Dula o Pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain.At ang dula ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.

Mga halimbawa ng Dulang Pantanghalan:

1.Melodrama

Ang dulang ito ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y may malulungkot na sangkap, kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

2. Komedya

Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang binubuo ng oktosilabiko o dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong araw upang ipagdiwang ang pyesta ng patron

3.Trahedya

Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni Kadil. .

4.Parsa

Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng isang dulang nakakatawa.

5.Saynete

Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ng pangunahing tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin.

- Anonymous d^_^b

Around Wikia's network

Random Wiki